11:45PM ng Feb 22. Lumabas ako sa kwarto dahil ginising ako ni Wilma. Wiwi/ pupu ata kasi siya. Sinamahan ko siya sa terrace. Pero naglalaro laro lang siya. Kaya tumayo ako sa pagka-upo at pagka-idlip sa bench at naglakad lakad para mag wiwi/ pupu siya. Dumungaw ako sa terrace namin at nakita ko na ang kapitbahay namin ay may munting salu-salo. Sinilip ko si Wilma kung naka pag-wiwi/ pupu na siya. Sa panahong ding yun, may nadinig akong pumutok at sumigaw. Pag katingala ko, nakita ko na may nasusunog na na bahay malapit sa compound namin.
Pumasok ako uli at ginising ko ang kuya ko. Agad siyang pumunta sa terrace. Laking gulat ko dahil malaki na agad ang apoy. Bumaba ako para tumawag ng bumbero. Buti na lang na yung magnet sa refrigerator namin ay may mga emergency numbers. Kaya nakatawag agad ako sa Fire Fighter Volunteer. Habang nasa baba ako, ginising ko na din ang mga kasama namin sa baba. Pag akyat ko, nakita ko na gising na si mama.
Kinuha ko lang ang cellphone niya at akin. Pag baba ko, kinuha ko ang susi sa kotse, i-unlock ko at iniwan kong naka bukas ang mga pintuan ng mga sasakyan namin. Nagbabaan na ang mga aso at sinimulan kong hakutin sila at isakay sa mga sasakyan. Nauna si Scottie na sumakay. Aba! nakita ba naman ang aso ng kapitbahay eh gusto pang banatan!! Pinasok ko na lang siya sa kotse at sinara ng konti ang sasakyan.
Sumunod ay si Thatcher. Nung time na ipapasok ko siya, muntik pang tumakas si Scottie, kaya pina-andar ko na lamang ang mga kotse at sinara ng tuluyan ang mga pinto, para walang tatakas!! (Kasi nag na-alarm eh...).
Kasunod naman si Maya, nung nakalabas siya ng bahay, natakot ata at nag pupumiglas habang hawak ko ang collar. Natanggal pa nga ang collar, dali dali ko siyang kinuha at isinakay.
Isa-isang nailabas ang mga aso at sinakay.
Pumasok ata ako uli sa loob at kinuha ang gamit na nalaglag sa sofa. Umakyat din ako para tawagan na uli ang kapatid ko at isang katulong, si Michelle. (Kumuha din ako ng mga fire extinguisher na maliit!! hehehe )
Pagkatapos, sumakay na kami at umalis sa area. Naki-tambay muna kami sa bahay ng kaibigan ni kuya.
(Di ko alam kung kelan sumakay sa kotse si mama....)
Yan ang story ko... sa nanay ko naman...
Nagising si mama ng mga 12 dahil kinakalabit siya ni Thatcher, wiwi daw kasi siya. Nagtaka ang mama ko dahil may naririnig siyang mga commotion sa labas at may pumuputok putok. Pagkalabas niya ng kwarto, laking gulat niya dahil malaki na ang apoy. Tinawagan niya yung mga katulong sa intercom na maghanda na.
Kumuha si mama ng ilang mga importanteng bagay sa office. Tulad ng mga checke (namin at ng customers), mga recievable (nasa listahan lang nga), at kaunting pera. Balak nyang bitbitin ang lagyanan ng mga invoices kaso nag dalawang isip siya kasi malaki at mabigat ang lagyanan kaya iniwan na lang niya.
Habang ginagawa nya yun, tinatawag na nya yung mga tao para lumabas. At pinaalala din sa amin na isakay ang mga aso. Iwan na mga damit dahil madaling gawan ng paraan ang mga yun.
Nung nasa kotse na, may mga documents ng office ang nakalimutan niya. Sabi ko bayaan mo na, aalis na tayo dito. Mahirap kung maipit tayo.
Nung nakasakay na sa kotse, tsaka siya nakaramdam ng panginginig ng mga paa.
Syempre incomplete story iyan... di ko naman naaalala ang lahat eh...
Buti na lang at hindi umabot dito sa compound namin. Buti na lang at ang mga kapitbahay namin dito ay kampante lang. AT buti na lamang at walang nasaktan sa pangyayari.
Laking pasalamat ko din sa dalawa naming mga katulong, dahil kahit na natataranta sila, di nila kami iniwan sa ere. Inaalala pa din nila kami. Tumulong silang dalawa sa pag-hakot ng mga alagang aso. Isa sa kanila ang nag-alalay sa mama ko. Ang isa naman ay nagbuhat ng mga gamit na pinabibit-bit ni mama.
Special mention ito para sa magkapatid na sina Marivic at Michelle.
Yung dalawa pa, wala ng special mention yun! Nauna ng lumabas sa gate. Pagdating namin sa gate eh parang taxi kaming pinara! =P
Nakakatakot na experience iyun... ayaw ko ng maulit...
14 years ago
No comments:
Post a Comment