Monday, February 2, 2009

Moses "Momo" close to Tessa

Nung kinagabihang in-adopt si
Tessa sa amin, tumawag si Cely. Ayun, kwento siya ng konti tungkol kay Tessa. Nag shopping na sila para sa kanyang, *ahem* baby needs. Hmmm... mukhang ma-spoil si Tessa ah!! Got no problem with that!

At isa pang good news, ang pamilya ng asawa ng sister pala nya, hilig mag-alaga ng dogs. Dadaan daw sila kinabukasan dito sa amin para i-adopt na din si Momo! Ang galing kasi itong si Cely, napaka-animated siguro ng pag kwento nya sa sister nya ang tungkol sa pagka-hyper ni Momo. (Sabi sayo type ka din nun!!!)

Kinabukasan ng gabi, dumaan ang in law ni Myrna (sis ni Cely) para kunin ang tuta.

Dahil sa kanya, nalaman ko na medyo nalulungkot si Tessa sa kanyang bagong tahanan. Pero di ko na kelangang mag alala. Kahit hindi araw araw, magkikita naman silang magkapatid nyan =D

Ang isang bagay na aking lubos na pinagkakatuwa ay kahit na nahiwa-hiwalay na sila, napunta sa iba-ibang tahanan. Gumagawa ang panahon/ tadhana ng paraan para di sila tuluyang magkawalay sa isa't isa.

No comments:

Powered By Blogger